Mahigpit na ipatutupad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang zero vendor policy sa rutang daraanan ng Traslacion ng poong Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng tinatayang nasa milyong deboto na naka-paa lamang sa buong prusisyon.
Dahil dito, hiningi ni Moreno ang pakikiisa ng publiko lalo na ng mga vendors sa quiapo upang maiwasan na ang pagkasugat ng mga deboto.
Paliwanag naman ni Alex Irasga, miyembro ng Task Force Nazareno, kasama sa mga ipagbabawal nila sa kasagsagan ng Traslacion ay ang pagtitinda ng mga pagkaing nakatuhog sa bamboo stick tulad ng mga fishball, hotdog, at kahalintulad na pagkain.