Nadagdagan pa ang mga nagkakasakit ng zika virus sa bansa.
Ito ay matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may naitalang panibagong 10 kaso ng naturang sakit.
Ayon kay DOH Secretary Pauleen Ubial, 33 pasyente na ang kasalukuyan nilang minomonitor.
Labing dalawa (12) sa mga pasyenteng may zika virus ay taga-Iloilo, apat sa Bacoor, Cavite, tatlo sa Mandaluyong, tatlo sa Calamba, dalawa sa Antipolo, dalawa sa Las Piñas, dalawa sa Muntinlupa at tig-iisang kaso naman mula sa Cebu, Quezon City, Makati City, Caloocan at Maynila.
Kaugnay nito, hinimok ng DOH ang publiko na maglinis ng kapaligiran at sugpuin ang mga pinamumugaran ng mga lamok na sanhi ng zika virus.
By Rianne Briones