Kinumpirma ng US Center for Disease Control and Prevention na nagdudulot nga ng birth defects ang zika virus.
Ayon sa US-CDC, malinaw na ngayon na ang microcephaly ay dulot ng naturang virus.
Matataandaang daan-daang sanggol na ipinanganak sa Brazil noong nakaraang taon ay tinamaan ng microcephaly, kondisyon kung saan maliit ang ulo ng mga ipinapanganak na sanggol.
Sa Estados Unidos naman, aabot na sa 346 ang kumpirmadong tinamaan ng zika.
Kaya naman patuloy pa rin ang pagpapaalala ng CDC sa mga buntis nilang mamamayan na iwasan muna ang pagbiyahe sa mga lugar kung saan laganap ang zika virus partikular sa Latin America at Caribbean.
By Ralph Obina
Photo Credit: Paulo Whitaker/Reuters