Nabunyag na maaaring mailipat ang zika virus sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Kinumpirma ng Centers for Disease Control and Prevention o CDC ng Estados Unidos ang isang kaso sa Texas kung saan, kinapitan ng zika virus ang isang pasyente makaraang makipagtalik sa isang biyahero na galing sa isang bansa na mayroong zika virus.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng CDC na nagkaroon na rin ng report na nawala sa dugo ng isang lalake ang zika virus subalit nakita naman ito sa kanyang semen o semilya.
By Len Aguirre