Mas nakatatakot sa inaakala ng mga eksperto ang epekto ng zika virus.
Ayon kay Dr. Anne Schuchat ng US Centers for Disease Control and Prevention, maraming uri ng birth defects ang iniuugnay sa naturang virus.
Maliban dito, pinangangambahan din na mas lumawak pa ang epekto ng zika sa Estados Unidos at mga karatig bansa nito.
Matatandaang nagsimula ang zika noong isang taon sa bansang Brazil kung saan libu-libong kaso ng birth defects ang naitala dito.
By Ralph Obina