Pinalawak ng Department of Health (DOH) ang zika virus testing sa apat na government hospitals sa bansa bilang bahagi ng kampanya laban sa naturang sakit.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, ang apat na pagamutan ay magkakaroon ng kakayahan na mag-proseso ng blood samples mula sa mga hinihinalang zika virus sa susunod na buwan, bukod sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ang mga ito ay ang San Lazaro Hospital sa Maynila, Baguio General Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Umorder na rin anya ang polymerase chain reaction kits na nakatakda namang i-deliver sa apat na nabanggit na ospital sa susunod na buwan.
Ipamamahagi ang kits kapag na-validate sa RITM at on-site training ng laboratory personnel at health workers kung paano gagamitin ang testing kits.
By Drew Nacino