Nanindigan si President Robert Mugabe ng Zimbabwe na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa kabila ng tumitinding panawagan ng daan – daang libong mamamayan na matuldukan na ang 37 taong rehimen.
Ayon sa 93 – anyos na si Mugabe, bagaman tinatanggap niya ang mga batikos, kailangang maibalik sa normal ang sitwasyon at resolbahin ang problema ng bansa.
Sa katunayan ay kanyang pamumunuan sa susunod na buwan ang pagbubukas ng Kongreso.
Magugunitang nag – kudeta ang militar at nag – take over sa gobyerno noong Miyerkules subalit kapit – tuko pa rin sa puwesto si Mugabe.