Natapos ang 37-taong pamumuno ni Zimbabwe President Robert Mugabe matapos na tuluyan na itong magbitiw sa tungkulin.
Inanunsyo ni Parliament Speaker Jacob Mudenda ang pagreresign ni Mugabe sa isang special joint session na tatalakay sana sa impeachment complaint nito.
Una nang nag-take over ang militar sa gobyerno ng Zimbabwe nitong nakaraang linggo nang magsimula ang gulo matapos tanggalin ni Mugabe ang kanyang Bise Presidente.
Libu-libong mga Zimbabweans naman ang dumagsa sa mga kalsada para ipagdiwang sa pagbaba sa puwesto ni Mugabe.
—-