Dumagsa sa mga lansangan ang libo – libong mamamayan sa Harare, Zimbabwe para igiit ang agarang pagpapabitiw sa puwesto ng kanilang Presidente na si Robert Mugabe.
Ang aksyon ay ginawa ng mga Zimbabweans apat na araw matapos i–takeover ng militar ang Southern African nation na 37 taon nang pinamumunuan ni Mugabe.
Puno ng pasasalamat ang mga taong nagtungo sa mga kalsada, lalo na sa defense forces na nasa likod ng military takeover.
Si Mugabe ay kasalukuyang isinasailalim sa house arrest ngunit nanindigan itong hindi bababa sa puwesto dahil magdudulot lamang umano ito ng constitutional crisis.
Ipinanawagan naman ng mga senior official ng ruling party ang pagsipa kay Mugabe mula sa kanilang organisasyon, kasama na dito ang kanyang misis na si Grace na siya namang kalihim ng liga.