Nahaharap sa imbestigasyon dahil sa posibleng paglabag sa anti-graft law ang mga kilalang negosyante na sina Inigo Zobel, Roberto Ongpin, at Joselito Campos Jr.
Ito’y may kaugnayan sa sinasabing iligal na pagbebenta ng SSS-Land Bank shares sa P9 Billion na share ng gobyerno sa naganap na Meralco deal.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, sinasabing nakipagpagsabwatan din ang matataas na opisyal ng Social Security System at Land Bank sa private corporation na Global 5000 para maisagawa ang Meralco deal mula noong 2008 hanggang 2009.
By: Jelbert Perdez