‘Zoning’ ang ipapalit ng pamahalaan kapag napagdesisyunan nang tanggalin ang community quarantine.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sa ilalim ng ‘zoning’, hindi lamang barangay ang puwedeng i-lockdown kundi maging ang maliliit na units sa barangay tulad ng subdivisions.
Depende anya ito sa doubling time at bilang ng infected sa isang lugar.
Isasailalim anya sa critical zone ang mga lugar na mabilis dumoble ang bilang ng positibo kung saan bawal pumasok o lumabas sa lugar.
Pero sa paligid anya ng critical zone ay maaari pa ring magpatupad ng containment zone na halos kahalintulad enhanced community quarantine (ECQ).
Gayunman, ang mga lugar anya sa labas ng containment zone ay ituturing namang buffer zone kung saan tuloy ang operasyon ng mga negosyo.