Kampante si Senate Majority Floor Leader Migz Zuburi na wala ng mabubuong panibagong rebeldeng grupo sa ilalim ng itatatag na Bangsamoro region sa Mindanao.
Ayon kay Zubiri, may inilagay na silang safeguards sa panukalang Bangsamoro Basic law na inaprubahan ng Senado at Kamara, noong isang linggo.
May nilagay po si Sen. Trillanes na amendment na sa talagang pera ng Bagsamoro regional government, hindi po talaga sila makakabili ng armas, bawal po iyan. Under our auditing rules and procedures, hindi po pu-pwedeng mangyari iyan because, ‘yun nga ‘yung perang ilalabas dapat dadaan sa budgeting by the Bangsamoro parliament. Pahayag ni Zubiri
Sa katunayan aniya ay nangako naman ang Moro Islamic Liberation Front na aanib ang kanilang mga miyembro sa gobyerno sa oras na itatag ang Bangsamoro.
‘Yung pinakamalaking armadong grupo sa Mindanao, the MILF with 10,000 fighters have committed to the commission and joined the government, sila po ay sasama na sa gobyerno. As a matter of fact, ‘yung grupong BIFF ay ang MILF na mismo, 2 dosena na po ang namatay na MILF dahil sa paghahabol ng BIFF. Paliwanag ni Zubiri
Gayunman, aminado ang senador na sadyang hindi maiiwasang may mga sumulpot na paksyon o splinter group na maaaring maging balakid pa rin sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.
Doon sa pagsasagawa ng panibagong grupo, hindi natin maipapangako ‘yan. Alam mo naman sa Pilipino na nasa ugali natin ang pasaway eh. Dagdag ni Zubiri