Malaki ang maitutulong sa pag – usad ng kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III ang mga isiniwalat ni John Paul Solano sa executive session noong Lunes, Setyembre 26.
Ayon kay Senador Migz Zubiri, miyembro ng Senate on Public Order at dumalo sa executive session, pinangalanan na ni Solano ang mga frat member ng Aegis Juris fraternity na nasa likod ng hazing na ikinasawi ni Atio.
Dagdag pa ni Zubiri, makatutulong ang mga ibinunyag ni Solano sa pagkamit ng hustiya at mapanagot ang mga sangkot sa pagkamatay ni Atio.
Maganda ‘yung nangyari sa executive session dahil ibinunyag niya [Solano] ‘yung nangyari noong umagang ‘yun at nag tell – out siya sa amin, that’s all I can say, he will name names and pagkatapos n’ung ikinuwento niya sa amin ang pangyayari.
Senator Lacson asked the permission of the Solano na kung pwede kausapin ‘yung pamilya.
‘Yun naman ang nakasaad sa constitution diba?
‘Finaylan’ ka kaagad ng murder charges and other charges under inquest proceeding na according to legally proceedings dapat nagkaroon muna ng preliminary investigation.
Solano inalok ng proteksyon
Inalok ng mga senador ng proteksyon si John Paul Solano, isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Ito ay matapos humarap sa executive session si Solano kung saan isiniwalat niya ang kaniyang mga nalalaman kaugnay sa Aegis Juris fraternity na nagsagawa ng hazing at naging dahilan ng pagkamatay ni Atio.
Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, nakanda ang senado na bigyang seguridad si Solano kung sa tingin nito ay nasa balag ng alanganin ang kaniyang buhay.
Sa ngayon, ani Solano ay wala pa itong natatanggap na banta sa kaniyang buhay matapos siyang magpalit ng cellphone number.