Nag-donate na ng kanyang plasma si Senador Migz Zubiri sa Philippine General Hospital (PGH) matapos na makarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Zubiri, isa siya sa mga masuwerteng nakarekober sa nabanggit na virus nang hindi nagkakaroon ng anumang komplikasyon.
Aniya, masaya siyang makatulong sa mga nakararaming pasyente na tinamaan ng malalang sintomas ng COVID-19 sa pamamagitan ng ibinigay niyang plasma.
Si Zubiri ay isa sa tatlong senador na umaming nahawaan ng COVID-19.
Magugunitang una na ring nag-donate ng kanyang plasma sa PGH noong nakaraang linggo si Senador Sonny Angara. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 9)