Nababahala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa posibleng kahinatnan ng COVID-19 testing capacity ng bansa matapos na itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang testing effort nito dahil sa multimillion pesos na pagkakautang sa kanila ng PhilHealth.
Ayon kay Zubiri, na nais nyang makausap si PhilHealth President Dante Gierran hinggil dito lalo na’t galing aniya sa PRC ang 60% testing capacity ng bansa.
Nakahanda aniya siya na pakiusapan si Gierran kung kinakailangan upang agad na maresolba ang naturang gusot.
Giit ng senador, malaking kawalan para sa testing capability at capacity ng DOH kung tuluyang ititigil ng PRC ang kanilang mga isinasagawang COVID-19 testing.