Nababahala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa posibleng pagbaba ng COVID-19 testing capacity sa bansa.
Ito’y matapos itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa ng COVID-19 testing na sinisingil sa Philippine Health Insurace Corporation (PhilHealth) dahil sa halos P1-B pagkaka-utang nito.
Sa panayam ng DWIZ kay Zubiri, sinabi nito na halos 60% ng testing capacity ng Department of Health (DOH) ay nagmula sa Red Cross kaya’t tiyaK na may malaking epekto ito.
Sayang, kasi ‘yan yung number 1 go-to testingn center ng ating mga kababayan sa probinsya so, wala naman kaming magawa kung baka bilyon-bilyon yung utang ng PhilHealth sa amin so, syempre kailangan nilang tumigil muna hanggang mabayaran dahil ang Red Cross kasi hindi gobyerno ‘yan, wala kaming pondo galing sa gobyerno. We only give service ito ay donors, donations lang baka maubos yung donasyon ng ating mga donors that’s supposed to be used for calamities, hindi na rin kami makalabas at makatulong pagdating sa araw ng kalamidad, we need to recoup back the cost,” ani Zubiri.
Magugunitang inihayag ni PhilHealth President Dante Gierran na hindi muna nila babayaran ang utang ng PhilHealth sa Red Cross dahil kuwesyunable umano ang nilagdaan nilang Memorandum of Agreement (MOA).
Dahil dito, umapela si Zubiri sa PhilHealth na bilisan ang pagbusisi sa nasabing kasunduan upang hindi mabalam ang testing capacity ng bansa kaugnay ng COVID-19.
Mabait naman yan, kaibigan din natin ‘yan makikita naman po niya walang hanky panky d’yan, there’s no hanky panky were subject also to audit, isa tayong ahensya na may charter galing sa kongreso mas gusto namin kasama kami sa pila para sa ganon ay ang masang Pilipino maka-avail kasi PhilHealth members naman yung lahat ng ating kababayan. So, malaking hadlang for testing capability and capacity so, we’re making an appeal also to PhilHealth to quicken also, baka pwede nilang mapabilis,” ani Zubiri.