Pinakikilos ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri ang NDRRMC, PHIVOLCS, DILG at Local Government Units para suriin ang lahat ng mga imprastruktura sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol.
Ito, ayon kay Zubiri ay para ma check kung ligtas pa na gamitin ang mga gusali at bahay o kaya naman ay patibayin ang mga ito at kung kakayanin pa ang posibleng susunod na mga lindol.
Ang mga istruktura aniyang lilitaw na hindi sumunod sa building code ay dapat na i condemned.
Sinabi pa ni Zubiri na dapat ding magsagawa ng geo hazard mapping sa mga lugar na prone sa landslides para mabigyang babala ang mga komunidad o mga residente na nasa peligrosong lugar.
Binigyang diin ni Zubiri na dapat maging proactive para maiwasan ang mga namamatay kapag may kalamidad. — ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)