Nagsalita na si Facebook founder at CEO Mark zuckerberg sa iskandalo na kinasangkutan ng nasabing social media site.
Kasunod ito ng ulat na na-access ng data firm company na Cambridge Analytica na konektado kay US President Donald Trump ang mga impormasyon ng nasa 50 milyong Facebook users nang hindi nito alam.
Ayon kay Zuckerberg, nagkamali sila nang hayaang magkaroon ng breach of trust at responsibilidad nila ang protektahan ang mga datos ng mga Facebook users.
Nangako naman si Zuckerberg na makikipagtulungan sa imbestigasyon at patuloy na gagawa ng mga hakbang para maiwasang maulit ang pangyayari.
—-