(Updated)
Kinansela na ng Commission on Elections (COMELEC) First Division ang certificate of candidacy (COC) ni Senador Grace Poe para sa pampanguluhang eleksyon sa 2016.
Sa botong 2-1 pinawalang bisa ng COMELEC First Division ang COC ni Poe bunga ng kuwestyon sa kanyang pagiging natural born citizen at haba ng panahong inilagi niya sa Pilipinas bago tumakbo sa eleksyon.
Ayon kay Dean Amado Valdez, isa sa mga naghain ng disqualification case na hawak ng First Division, ang nasabing desisyon ay para sa kaniyang petisyon at dalawa pang disqualification case na isinampa nina Dr. Antonio Contreras at dating Senador Francisco Kit Tatad.
Kabilang sa mga bumoto pabor sa disqualification case sina COMELEC Commissioners Rowena Amelia Guanzon at Luie Guia samantalang kumontra naman dito si Commissioner Robert Christian Lim.
Una nang kinansela ng COMELEC Second Division ang COC ni Poe mula naman sa inihaing petisyon ni Atty. Estrella Elamparo.
Poe’s camp
Gagamitin lahat ng kampo ni Senador Grace Poe ang legal remedies para patunayang kuwalipikado ito sa 2016 presidential elections.
Tiniyak ito muli ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, Spokesman ni Poe matapos magpasya ang First Division ng COMELEC na ikansela ang COC o certificate of candidacy ni Poe sa pagka-pangulo.
Ayon kay Gatchalian, nakakalungkot na hindi nakita ng First Division ang kanilang legal arguments.
Iginiit pa rin aniya nilang natural born Filipino si Poe at natugunan nito ang lahat ng requirements sa pagtakbo sa presidential elections kabilang ang residency.
Supporters
Dumagsa naman sa COMELEC ang supporters ni Senador Grace Poe.
Kasunod ito ng desisyon ng First Division ng COMELEC na nagkakansela sa COC o certificate of candidacy ni Poe sa pagka-pangulo.
Mahigpit na kinukundena ng mga supporter ni Poe ang COMELEC sa nasabing desisyon.
Umapela ang supporters ni Poe sa mga kritiko nito na dapat hayaan na lamang ang mga Pilipinong mag-desisyon sa kapalaran ng senador sa pamamagitan nang idaraos na eleksyon.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19) | Aya Yupangco (Patrol 5)
4 comments
#dutertecayetano we will support u until the end..
#dutertecayetano subok na ang tapang subok na din ang malasakit sila ang mgbibigay sa atin ng maayos bayan
#dutertecayetano ang tandem na matatag at palaban kayang makipagsabayan para sa katotohanan
#dutertecayetano magsusulong ng kaunlaran sa ating bansa