Ibinasura ng Sandiganbayan First Division ang felony case laban kina Taguig City Mayor Lani Cayetano at City Administrator Jose Luis Montales dahil sa kakulangan ng probable cause.
Ayon sa Sandiganbayan, wala silang nakitang probable cause para panagutin sina Cayetano at Montales sa umano’y pag-padlock sa session hall ng city hall, dahilan kaya’t hindi naisagawa ang city council assembly noong August 2010.
Binigyan ng bigat ng Sandiganbayan ang sulat na ipinadala ni Montales kay Vice Mayor George Elias at sa buong Sangguniang Panglungsod hinggil sa pagsasara ng ilang tanggapan kabilang ang session hall bilang bahagi ng reengineering at reorganizational plan ng city government.
Subalit binigyang diin ni Montales sa kaniyang sulat na may inilaan silang tanggapan na magagamiti para sa sesyon at tinukoy nito ang city auditorium na ini-reserve para rito.
Una nang inirekomenda ng Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kina Cayetano at monTales dahil sa naturang usapin.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)
5 comments
sabi namang wala sila magagawa sa basurang issue hahaha
edi nga nga ang kalaban hahaha kulit kasi akala nila makakahatak sila ng boto dahil don hahaha
ayos kabawasan na to sa abala sa pangangampanya ni sen.cayetano kulit kasi ng mga naninira eh wala naman makakasira hahaha
kita naman! wala magagawa ang basurang issue! gratz Mayor Lani! #DC2016
Salamat sa Sandiganbayan sa patas na pagsusuri at pagpanig sa side ng katotohanan! Manilaw na bahagi lamang ang kaso ng paninira sa pamilyang Cayetano dahil nalalapit na ang eleksyon. #DuterteCayetano