Posibleng i-anunsyo na ni Pangulong Noynoy Aquino ngayong araw o sa Biyernes sa Club Filipino, San Juan ang magiging standard bearer ng administration party sa 2016 Presidential elections.
Sinasabing nagpa-schedule na ang Liberal Party sa Club Filipino upang okupahin ang “Kalayaan Hall” para sa isang aktibidad.
Gayunman, aminado si LP member at Iloilo Representative Jerry Treñas na hinihintay pa nila ang kumpirmasyon kung saan si Interior Secretary Mar Roxas ang inaasahan nilang i-eendorso ng Pangulo.
Grace Poe
Magdedeklara na ng kandidatura si Senator Grace Poe para sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Subalit, gagawin lamang umano ito ni Poe kapag nai-anunsiyo na ni Pangulong Noynoy Aquino ang magiging standard bearer ng Liberal Party sa 2016 elections.
Sinasabing “done deal” na ang Poe-Chiz tandem kasunod na rin nang pagkalas ni Senator Francis Escudero mula sa dalawang komite ng senado.
By Drew Nacino | Jelbert Perdez
1 comment
There’s certainly a lot to learn about this subject. I love all of the
points you’ve made.